-- Advertisements --

pnpsinas1

Sumampa na sa 26 katao ang nasawi habang 25 ang sugatan sa hagupit ng bagyong Ulysses mula sa anim na rehiyon.

Ito ay sa NCR, Region 2, 3, Calabarzon, Region 5 at Cordillera region.

Habang ang 25 sugatan sa Region 3, siyam naman sa Calabarzon at walo sa Region 5.

Sa datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) Operation Center, dalawa ang nasawi sa Metro Manila, pito sa Region 2, tatlo sa Region 3; siyam sa Calabarzon, tatlo sa Region 5 at dalawa sa Cordillera region.

Nasa 25 naman ang iniulat na sugatan, kung saan walo ay sa PRO-5, pito sa PRO-4A at lima sa PRO-3.

Nasa 14 naman ang nawawala o missing, isa sa NCR, pito sa Region 2, dalawa sa Calabarzon at apat sa Region 5.

Pumalo na rin sa 107,535 individuals o nasa 1,437 families ang na-rescue ng PNP sa 2,174 rescue operation na isinagasa ng PNP.

Nasa 359,295 individuals o nasa 98,620 families ang nailikas at kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Nakapagtala rin ang PNP ng nasa 1,899 katao na i-stranded sa mga pantalan.

Sa ngayon nasa 724 pa na mga lugar ang lubog sa tubig-baha at nagpapatuloy ang search and rescue operation.