CAGAYAN DE ORO CITY- Boluntaryong sumuko sa militar ang 26 na mga kasapi ng rebeldeng NPA na nag-operate sa kabundukan ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental at Bukidnon.
Nagsurender ang mga rebelde sa 65th IB, Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Benjamin Pajarito Jr. sa isinagawang Medical and Dental Mission sa Brgy. Mambuaya dito sa lungsod/
Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang 18 na iba’t-ibang klase na armas na kinabibilangan ng M16 armalite rifles, Garrand rifles, shotgun at 45 caliber pistols.
Pawang mga miyembro ng Guerilla Front 12 ng CPP-NPA-NDF ang mga sumukong rebelde.
Nakatanggap ang mga ito ng P50,000 na livelihood assistance at P15,000 na immediate assistance mula sa pamahalaan.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng isa sa mga rebelde na si Ka Jojo na hindi na nila makayanan ang gutom at hirap na kanilang naranasan sa pagtatago sa kabundukan kung kaya’t silay nagbalik-loob sa gobyerno.
Hindi rin umano nila mati-is ang karahasan na ginagawa ng kanilang mga kasamahan partikular na ang kanilang extortion activities.