-- Advertisements --
Patay ang 26 na katao matapos na sila ay makuryente sa nahulog na cable ng kuryente sa palengke ng Democratic Republic of Congo.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na bigla na lamang naputol ang high-voltage cable at tumama sa mga kabahayan at mga tao na namimili sa palengke ng capital Kinshasa.
Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng nasabing pagkakaputol ng kable.
Sinabi naman ng national electricity company ng bansa na posibleng tinamaan ng malakas na kidlat ang poste na nagdulot sa pagkakaputol ng cable.
Karamihan sa mga nasawi ay mga babae at mga tindera sa nasabing palengke.