-- Advertisements --
Nasa 26 pasahero ng ferry ang patay matapos na bumangga ito sa isang cargo vessel sa Bangladesh.
Agad na nakita a ng 21 katawan ng biktima sa insidente naganap sa Narayanganj district.
Ayon kay Mustain Billah ang Narayanganj district administrator, karamihang mga bangkay ay natagpuan sa loob ng lumubog na bangka.
Napuno ang ferry matapos na magmadali ang mga tao na makauwi dahil sa anunsiyo ng gobyerno ng isang linggong nationwide lockdown.