-- Advertisements --
Patay ang nasa 26 na katao matapos ang naganap na sunog sa gusali sa northern China.
Naganap ang insidente sa isang apat na palapag na office building sa Luliang City sa Shanxi province.
Nasa 63 katao naman ang itinakbo sa pagamutan matapos magtamo ng sugat ng sila ay lumabas sa nasusunog na Yongju Coal Industry Joint Building.
Agad na inatasan ni Chinese President Xi Jinping ang mga otoridad na imbestigahan ang pangyayari.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.