-- Advertisements --

Nasayang ang 26 big points ng Filipino-American player na si Jordan Clarkson matapos na muling lumasap nang pagkatalo ang Cleveland Cavaliers sa Sacramento Kings, 129-110.

Ito na ang ika-20 talo ng Cavs habang meron pa lamang limang panalo para ituring pa rin sila na isa sa kulelat sa mga teams ngayong NBA season.

Umabot pa sa 25 ang kalamangan ng Kings (13-11) hanggang sa magtabla ang score sa 66 sa halftime nang maipasok ni Clarkson ang 3-pointer.

Nanguna sa diskarte ng Kings si De’Aaron Fox na may 30 points at 12 assists.

Habang nagpadagdag naman sa kamalasan ng Cleveland ang pagkawala ng guard na si Rodney Hood nang magkaroon ng injury at hindi na bumalik sa second half.

Tumulong naman sa bigong kampanya ng Cavs ang rookie point guard na si Collin Sexton na may 23 at si Alec Burks na nagpakita ng 22 points at 9 assists.

Samantala pumayag na ang Cavaliers na magkaroon ng trade sa Milwaukee na naging dahilan para makabalik si Matthew Dellavedova sa Cleveland kasama ang forward na si John Henson kapalit ng dalawang draft picks sa 2021.

Bukas makakaharap ng Cavaliers ang Washington.

Ang Kings naman ay tutungo ng Indiana.