-- Advertisements --
Paiigtingin pa ng Department of Health (DoH) ang pagbibigay ng bakuna sa mga lugar na natukoy na may umiiral na polio virus, base sa latest result na inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, umaabot sa 26 na environmental samples na kinalap mula sa 39 areas ang na-detect na positibo sa type 1 at type 2 polio.
Bagama’t maliit na porsyento lamang iyon mula sa kabuuang 142 samples na sinuri, itinuturing pa rin umano itong seryosong isyu na kailangang tugunan.
Bunsod nito, magdaragdag pa ng mga tauhan ang DoH na magsasagawa ng anti-polio vaccine mula sa urban at rural areas.