-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naka-isolate na ngayon ang 260 na mga pasahero ng eroplano na sinakyan ng dalawang mga indibidwal na nagpositibo sa Omicron COVID variant sa Australia.

Sa ulat ni Bombo international vorrespondent Denmark Suede direkta mula sa Australia, nagmula umano sa southern Africa at dumating sa Australia sakay sa Qatar Airways flight via Doha ang mga pasahero.

Aniya, nang isinailalim ang mga ito sa RT-PCR test, 14 ang nagpositibo sa virus at dalawa ang may Omicron coronavirus strain.

Ang dalawang positive cases ay pawang asymptomatic at fully vaccinated.