-- Advertisements --

Mahigiti 260 katao ang nasawi dahil sa pagbaha bunsod ng matinding pag-ulan sa East Africa.

Labis na natamaan ang Kenya kung saan mayroong 194 katao ang nasawi habang mayroong 55 katao sa Rwanda at 16 naman ang nasawi sa Somalia.

Hindi naman makalabas sa pagamutan ang nasa 200 na pasyente sa Uganda dahil sa malaking pagbahang naranasan.

Pinalikas naman ng mga otoridad sa Kenya ang mga residente na naninirahan malapit sa ilog.

Maraming mga pananim at gusali ang nasira dahil sa matinding pagbaha.

Bukod sa pagbaha ay nakaranas naman ng locust invasion at coronavirus ang mga bansa sa East Africa.