-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nanawagan na ng tulong ang Department of Education (DepEd) Catanduanes sa gobyerno para sa pagpapaayos ng nasa 260 pang mga sirang eskwelahan sa harap yan ng papalapit ng pagbabalik kan klase sa Agosto 22.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Susan Collano ang Schools Division Superintendent ng DepEd Catanduanes, tinatayang nasa P123 milyon pa ang pondong kailangan upang maibalik sa maayos na kondisyon ang mga nasabing klasrum na taong 2020 pa ng masira sa pagtama ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Collano, tumutulong na rin naman ang lokal na gobyerno para sa pagsasaayos ng mga klasrum subalit kulang na kulang pa rin upang masolusyonan ang problema.

Samantala, plano na lang ng DepEd na pansamantalang magtayo na muna ng temporary learning shelter sa pagbabalik ng klase upang may matutuloyan pa rin ang mga estudyante.