-- Advertisements --

Nasa ika-limang araw na ngayon na mababa pa sa 300 ang naitatalang daily cases ng Department of Health (DOH) sa mga dinapuan ng coronavirus sa bansa.

Ito ay makaraang maitala ang panibagong nadagdag na 261 na nahawa sa virus.

Sa kabuuan ang mga pasyente sa COVID-19 sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,837,784.

Sa ngayon ang mga aktibong kaso naman sa bansa ay mababa pa rin na nasa 9,238 na lamang.

Meron namang bagong mga gumaling sa virus na umaabot sa 395.

Sa kabuuan ang mga nakarekober sa COVID ay nasa 2,777,630 na.

Samantala ang mga bagong nasama sa listahan ng mga nasawi ay 122.

Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay umaabot na sa 50,916.

Nasa 12 namang mga laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang datos sa DOH.

“Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 20, 2021 habang mayroong 12 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS),” bahagi ng advisory ng DOH. “Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 14 labs na ito ay humigit kumulang 2.8% sa lahat ng samples na naitest at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”