GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 261 kilos ng processed meat products na pinangangambahang mayroong African swine fever virus ang naharang sa GenSan Airport.
Sa ginawang pagsisiyasat ng Bureau of Quarantine, nadiskubre na mga karne ng baboy at manok at peking duck ang tangkang ipuslit sa lungsod.
Misdeclared rin umano ang mga naturang kargamento matapos nasuri ng Bureau of Customs na pinaniniwalaang mula pa sa ibang mga bansa.
Pinangangambahan ng mga kinauukulang ahensiya na maaaring magdala ito ng mga sakit na makasasama sa tao kung makakain ito.
Kayat dahil dito ay kaagad na sinunog ang mga nakumpiskang processed meat products.
Matatandaang inalerto ang Bureau of Quarantine at Bureau of Customssa lungsod sa pagbabantay lalo na sa mga airport at mga pantalan upang hindi maipuslit ang mga karne na nagmula sa ibang bansa lalong-lalo na sa mga apektado ng African swine fever virus.