-- Advertisements --
DUQUE DOH VIRTUAL
DOH Sec. Francisco Duque III virtual presscon

Lampas 2,500 na ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas dahil sa 322 na bagong kaso, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa monitoring ng ahensya nitong araw, may 11 ring nadagdag sa death cases na nagpaakyat pa sa 107 na bilang ng mortality.

Muli namang bumaba ang numero sa recoveries dahil isa lang ang bagong gumaling. Ang total ngayon ng recoveries ay nasa 51 pa lang.

LATEST DATA DOH

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, patuloy pa rin ang assessment ng ahensya kasama ang Inter-Agency Task Force sa epekto ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine, sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.