CENTRAL MINDANAO-Kasabay ng kasayahan ng ika-74th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan Cotabato, tumanggap ng tig-sampong libong cash ang 267 na mga benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant ng DSWD.
Ayon kay DSWD-12 Regional Director Restituto Macuto, ang programa ay naglalayon na mabigyan ng panimulang puhunan ang mga benepisyaryo.
Hinakayat naman ni Kabacan Vice-Mayor Myra Dulay ang mga nais na makapasok sa programa na lumapit kay MSWDO Susan Macalipat.
Ang mga nbenepisyaryo ay mula sa labing pitong barangay na kinabibilangan ng Brgy. Malamote, Dagupan, Katidtuan, Upper at Lower Paatan, Cuyapon, Kilagasan, Magatos, Kayaga, Poblacion, Osias, Aringay, Salapungan, Malanduague, Bannawag, Pisan, at Bangilan.
Nagpaalala naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa mga benepisyaryo na gamitin ng tama ang perang natanggap mula sa DSWD-12 at palaguin ang naisip nitong kabuhayan.