Marami-raming mga pocket events ang inihilera ng lokal na pamahalaan sa bayan ng General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte matapos pormal na binuksan ang 26th Siargao International Surfing Festival 2022 sa pangunguna ni Tourism Sec Cristina Garcia-Frasco.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Perl Arienza-Jacalan, ang Media Relations Officer ng Siargao Surfing Festival, isang daang mga surfers mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang lumahok nito kungsaan 40 lamang sa naturang bilang ang mga Pinoy habang mahigit sa 50 ang mga foreign surfers.
Bongga ang isinagawang opening ceremony sa may Boulevard dahil ito umano ang simula para sa tuluyan ng pagrekober ng turismo sa nasabing isla matapos matamaan ng COVID-19 pandemic at hagupitin ng bagyong Odette.
Kasama sa mga pocket events sa surfing competition period, ang night market, Siargao Sound System, Siargao Arts and Cultural Show, Camping Siargao at pag-organisa ng surfing master class para sa mga nais na matuto ng surfing.