-- Advertisements --

Binuksan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga bagong libreng wifi stations sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, 27 sites ang kanilang nilagyan ng nasa 30 megabits per second (mbps) na libreng internet connection.

Sa Metro Manila, nag-install ng free wifi sa Army General Hospital sa Taguig City, para magamit ng mga nagbabantay sa mga pasyente sa nasabing pagamutan.

Maliban dito, ang iba pang free wifi ay nasa Dagupan City (Region 1); Tuguegarao City (Region 2); Mabalacat City (Region 3); Morong, Rizal (Region 4A); Victoria, Oriental Mindoro (Region 4B), Sorsogon at Camarines Sur (Region 5); Iloilo at Negros Occidental (Region 6); Cebu City (Region 7); Eastern Samar (Region 8); Zamboanga City (Region 9); at Cagayan de Oro (Region 10), pati na sa Davao City (Region 11); South Cotabato (Region 12); Agusan del Norte (Region 13); Cotabato City (BARMM); at Baguio City (CAR).

Target ng ahensya na makapaglagay ng 8,073 sites para sa wife wifi ngayong 2019.