LA UNION – Arestado ang 27 indibiduwal sa isinagawang operasyon ng PNP-Criminal Investigastion Detection Group (CIDG)-Region 1 kaugnay sa mga overpriced na medical supplies sa La Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay PCol. Richard Verceles, assistant chief ng CIDG-Region 1, sinabi nito na sa 22 operasyon na isinagawa nila ay 27 ang kanilang nahuli.
Kabilang din sa mga nakumpiska ng operatiba ang iba’t ibang medical supplies na nagkakahalaga ng mahigit P676,000.
Mula sa naturang bilang, isa ang naaresto sa La Union; 12 sa Pangasinan; lima sa Ilocos Norte; at apat sa Ilocos Sur.
Karamihan sa mga ito ay nasampahan ng kasong may kaugnayan sa Republic Act 7581 o Price Act; at Republic Act 7394 o Consumer Act.
Aabot naman sa P3,000 hanggang P90,000 pesos ang maaring bayaran ng sinuman lalabag sa nasabing mga batas.