-- Advertisements --
Umakyat na sa 27 ang napapatay na hinihinalang may kinalaman sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Batay ito sa tala ng PNP mula nang magsimula ang election period noong April 14 hanggang kagabi May 11,2018.
Anim ang naitalang sugatan habang lima ang tinambangan pero nakaligtas sa nasabing mga karahasan.
Nasa 86 na suspek na ang naaaresto ng pulisya habang 83 ang pinaghahanap.
Sa ngayon 25 insidente na may kinalaman sa eleksyon ang naitatala ng PNP at 23 dito ay pamamaril habang dalawa ang pagdukot.
Ang may pinakamaraming insidenteng naitala ay sa Region 3, Region 12 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Pero ayon sa PNP mas mababa pa rin ang bilang na ito kumpara sa Barangay at SK elections noong 2013.