-- Advertisements --
Pinauwi na sa Vietnam ng Philippine government ang 27 Vietnamese nationals na nai-rescue mula sa human trafficking nitong Oktubre.
Ang mga Vietnamese nationals ay kabilang sa 34 foreigners na naharang ng awtoridad noong Oct.31 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.
Ang mga naturang dayuhan ay ibebenta sana sa isang kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Cebu.
Sa kabuuang bilang, 31 ay Vietnamese nationals habang tatlo ay Chinese. Pawang empleyado sila ng isang kumpanya ng POGO sa ParaƱaque City.
Nailigtas ang mga dayuhan matapos humingi ng atensyon sa awtoridad ang isa sa kanila.
Arestado naman ang isang Chinese national, na pinaniniwalaang amo, at isang Malaysian.