Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang matagumpay a deportation sa isang batch ng mga Chinese na dati nang naaresto dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa bansa.
Ipina-deport ng BI ang kabuuang 27 Chinese nationals noong Agosto 1 na sumakay sa flight ng P patungong Shanghai, China.
Noong una, plano ng BI na i-deport ang 33 dayuhan, ngunit anim ang hindi nakasakay sa flight dahil sa hindi makakuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) o para sa iba pang nakabinbing kaso sa Pilipinas.
Nilinaw ni BI Commissioner Norman Tansingco na kailangang resolbahin ng anim na indibidwal ang kanilang mga nakabinbing kaso sa Pilipinas at kumuha ng kaukulang clearance bago maipatupad ang kanilang deportasyon.
Ang mga na-deport na Chinese national ay bahagi ng mga naunang pag-aresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa magkahiwalay na operasyon sa Las Piñas, Pasay, at Tarlac.
Ang mga operasyong ito ay naka-target sa mga ilegal na aktibidad sa online gaming at nagresulta sa pagkahuli ng maraming dayuhang manggagawa na napatunayang lumalabag sa mga batas sa Philippine Immigration Law .
Binigyang-diin ni Tansingco ang pangako ng BI sa pagtugon sa ilegal na trabaho at aktibidad ng mga dayuhan sa bansa.