-- Advertisements --

Aabot sa 27 indibidwal ang naaresto ng Quezon Police Provincial Office mula sa iba’t ibang kampanya laban sa mga ilegal activities sa nakalipas lang na magdamag.

Ito’y resulta ng pinaigting na pagpapatupad ng batas lalo pa at nalalapit na ang national and local elections sa May 9,2022.

Kasama sa naaresto ang isang suspek na pugante sa La Union Provincial Jail na target ng manhunt operation.

Sa isinagawa namang operasyon na kampanya laban sa mga Most Wanted Persons, 4 na suspek ang nadakip para sa kasong Robbery with Frustrated Homicide at Malicious Mischief.

Samantala sa mas pinalawak na kampanya laban sa ilegal na droga, arestado ang isang drug suspect sa buy-bust operation.

Habang pagdating naman sa kampanya laban sa ilegal na mga sugal, arestado ang 11 magsusugal sa magkakahiwalay na operasyon sa tupada at pusoy.

Ganun din naman, naaresto din ang 10 indibidwal dahil sa paglabag sa PD 705 o dahil sa Ilegal na pangingisda.