Opisyal ng ipinakilala nitong Linggo, December 4, ang 27 kandidata ng Miss International Queen Philippines 2023.
Apat sa mga mga ito ang magrepresenta sa Cebu na sina Maki Yurong Gingoyon ng Mandaue City, Mae Coppens ng Cebu Province, Roxwen delos Santos ng Suba, Cebu City at Shanie Dawson ng Cebu City.
Nakatakdang gaganapin ang pageant sa Marso sa susunod na taon.
Sinabi pa ni National Director Michelle Montecarlo na dalawa sa mananalo ang kumakatawan sa bansa at isasabak sa international pageant sa Thailand at Australia.
Kahanga-hanga at kapana-panabik na mga premyo ang naghihintay sa mga mananalo kabilang ang enhancement at augmentation packages.
Sa mensahe naman ni reigning Miss International Queen Fuschia Anne Ravena, kinakailangan paghandaan ito dahil hindi ito ordinaryong pageant lang at i-enjoy ang patimpalak.