-- Advertisements --
Patay ang 27 katao matapos ang pagbagsak ng bubungan ng isang nightclub sa Dominican Republic.
Dinala naman sa pagamutan ang nasa mahigit 100 katao matapos na masugatan sa insidente Jet Set nightclub ng Santo Domingo.
Sinabi ni Juan Manuel Mendez, ang director ng Emergency Operations Center, nasa 300 katao ang nasa loob ng gusali ng mangyari ang aksidente pasado ala-1 ng umaga.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.
Binista naman ni Dominican President Luis Abinader at asawa nitong si First Laday Raquel Arbaje ang lugar para magbigay tulong at pakikiramay sa mga biktima.