Pumalo sa 27 probinsya at mga local government units ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Carina sa bansa noong nakalipas na buwan.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction Council sa mga kawani ng media.
Ayon sa ahensya, kaugnay nito ay aabot sa 14.5 million na halaga ng calamity assistance ang target ipamahagi ng Davao City
Sinabi ni City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head Alfredo Baloran kabilang sa mga lugar na makakatanggap ng tulong ay bayan ng San Mateo, Rizal; Baco, Oriental Mindoro; at maging ang Macabebe, Pampanga.
Makakakuha rin ang bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro; Bauang, La Union; Cainta, Rizal; Paombong, Bulacan; San Andres, Romblon; Camiling, Tarlac; at pati na rin ang Plaridel, lalawigan ng Bulacan.
Tulong pinansyal namana ng makukuha ng San Juan, Quezon City, Caloocan, Marikina, Manila, Navotas, Valenzuela, Mandaluyong, Pasay, Malabon; at Meycauayan , Bulacan. probinsya ng Bataan, Cavite at Batangas.
Paliwanag ni Alfredo Baloran, ang pondiong ito ay nanggaling sa Sangguniang Panlungsod.
Sa ilalim nito ay pinahihintulutang magamit ang 30 porsiyentong Quick Response Fund na nanggaling naman sa 5% ng kanilang Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa kasalukuyang taon.