VIGAN CITY – Tatlong menor de edad ang nagnakaw ng manok na panabong sa Brgy. Puroc a Bassit, Vigan City.
Nakilala ang mga suspect an sina alyas Soriano, 13-anyos ng Brgy. Nagpanaoan, Santa, alyas Kevin, 17-anyos at Karding, 15-anyos na parehong residente ng Brgy. Ora Centro, Bantay.
Sa report nanakalap ng Bombo Radyo Vigan mual sa Vigan City Police Station, nagluluto umano ang biktima na si Jay Jimenez ng ipaalam ni John Centeno na ang mga manok na panabong nito ay tinangay ng mga suspect.
Sinubukong tumakas ng mga suspect pero nahuli ng mga opisyales ng barangay si Kevin.
Nakatakas si Karding at agad na nagsagawa ng hotpursuit operation ang PNP at nagtungo sa bahay ni Kevin at narekobre ang 25 manok na panabong at isang Yamaha Aerox na motor na walang plate number.