-- Advertisements --

Inianunsyo ni Agriculture Sec. William Dar na dumating na dito sa Metro Manila kaninang umaga ang nasa mahigit 27 metric tons na mga baboy mula sa Mindanao.

Ito ay sa layuning maibsan ang kakulangan ng supply ng baboy sa Metro Manila.
Sinabi ni Sec. Dar na nakausap niya kamakailan ang Southern Cotabato Swine Producers Association at nangakong magpapadala ng 10,000 baboy kada linggo dito sa Metro Manila.

Ayon kay Sec. Dar, ang mga baboy ay idineretso sa slaughter house sa Antipolo at dadalhin ang mga ito sa pinakamalapit na pamilihan.

Kasunod nito, nangako din ang kagawaran sa mga hog raisers na magbibigay sila ng subsidiya.

Inihayag ni Sec. Dar na P21 sa kada kilo ng baboy na transport assistance ang kanilang ibibigay sa mga hog raisers sa General Santos City at iba pang bahagi ng Mindanao habang P15 ang mula sa Visayas, Mimaropa, Bicol, extreme Northern Luzon at P10 transport assistance ang ibibgay sa mga magbababoy sa Calabarzon at Central Luzon.