Kinumpirma ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na nasa 27 narco-politicians ang nanalo sa nakalipas na halalan.
Pero ayon kay Albayalde, nangangalap pa rin sila ngayon ng mga ebidensya laban sa mga nanalong kandidato na sangkot sa illegal drugs trade.
Sinabi ni Albayalde na sa 47 mga politiko na nasa narco list, 37 dito ang tumakbo at 27 naman ang nanalo.
Kasama umano sa mga nanalo ang ilang governors at mayors sa Luzon na ang iba ay kilala pa mismo ni PNP chief.
Binigyang-diin naman ni Albayalde na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang tututok sa kaso ng mga ito.
Sakali naman mapatunayan na sangkot sa iligal na droga ang mga nasabing politiko ay mamaharap ito sa kasong kriminal at administratibo.
Tumanggi namang tukuyin ni Albayalde kung sino-sino ang mga narco politicians na ipinanalo ng kanilang mga constituents.