-- Advertisements --
Aabot sa 27 na mga bihag ang napatay ng mga rebeldeng grupo ng lusubin nila ang pampasaherong tren sa Pakistan.
Ayon sa mga otoridad na napatay din sa pakikipagbakbakan ang 35 militants group na mula sa Baloch Liberation Army (BLA) habang isang sundalo nila ang nasawi.
Nasa 450 na pasahero ang lulan ng Jaffer Express na mula sa Quetta ang kapital ng Balochistan at patungo sa Peschawar ng harangin ng mga armadong grupo.
Dahil sa insidente ay agad na naglunsad ng military operations ang mga otoridad na nagresulta sa madugong labanan.
Matapos ang insidente ay hinigpitan na ng gobyerno ang pagbabantay sa mga pangunahing transportasyon para hindi na maulit pa ang insidente.