-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng DFA na panibago na namang 27 mga Pinoy sa abroad ang nagkasakit sa COVID-19.

Dahil dito umakyat na sa 9,192 ang kabuuang bilang ng mga kinapitan ng deadly virus sa ibang bansa.

Wala namang naitala na nasawi sa nakalipas na magdamag kaya’t nanatili ang death toll sa 647.

Habang nai-record din naman ang siyam na mga bagong recoveries sa bahagi ng Asya, Pacific at Europa.

covid dfa cases