Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa buong bansa dulot ng masamang panahon, ayon sa datos ng Department of National Defense (DND)
Sa pinakahuling ulat ng ahensya, higit sa 614,000 katao o mahigit 151,000 pamilyaang naapektuhan ng serye ng mga low-pressure area at ang shear line mula noong Enero 2, kung saan 11 sa kanila ang nasugatan at 3 ang nawawala pa rin.
Isa pang 112,000 katao o mahigit 31,000 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa pagbaha matapos mapilitang lumikas sa kanilang mga tahanan
Dagdag dito, walong lungsod at bayan na ang isinailalim sa state of calamity.
Nasa P258.3 milyon ang pinsala sa agrikultura, habang tinatayang nasa P171 milyon naman ang pinsala sa imprastraktura at nasa 1,281 bahay din ang nasira dahil sa sama ng panahon.
Kaugnay niyan, nagpaabot na ang gobyerno ng Pilipinas ng tulong na nagkakahalaga ng P31.6 milyon sa mga apektadong residente.
Una na rito, ang mga lokal na awtoridad sa kalamidad, kasama ang opisyal mula sa Office of Civil Defense (OCD), ay binabantayan din ang sitwasyon, na may mga search and rescue team na naka-deploy dahil pa rin sa maaaring pinsala na dulot ng sama ng panahon.