-- Advertisements --

Nasa 27 katao sa India ang nasawi matapos na tamaan ng kidlat.

Tumama rin ang kidlat sa isang eroplano kung saan apat na pasahero ang itinakbo sa pagamutan matapos ang naganap na turbulence.

Normal na nagaganap ang matinding pagkidlat sa India sa pagitan ng Hunyo hanggang Setyembre.

Sinabi ni West Bengal disaster management minister Jave Ahmed Khan na karamihan sa mga tinamaan ng kidlat ay mga magsasaka.

Inanunsiyo naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi na bibigyan niya ng mga tulong pinansiyal sa mga pamilya na nabiktima.