-- Advertisements --

Nasa 27 katao ang nasawi matapos ang pagkakasunog ng gusali sa Osaka, Japan.

Karamihang mga biktima ay nasawi matapos na hindi makahinga dahil sa kapal ng usok.

Tumama ang nasabing sunog sa pyschiatric clinic sa ikaapat na palapag ng gusali.

Mabilis naman na inilikas ang ilang mga naninirahan sa ilang palapag ng gusali.

Mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang apoy at inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.