-- Advertisements --
Nasa 27 katao ang patay sa pang-aatake ng mga armadong kalalakihan sa isang seremonyas na dinaluhan ni presidential candidate Abdullah Abdullah sa Afghanistan.
Sinabi nii Abdullah na nakaligtas ito sa nasabing atake sa west Kabul kung saan bukod sa pamamaril ay may mga rockets na lumipad.
Umabot naman sa 52 katao ang nasugatan sa nasabing insidente.
Napatay naman ng mga security forces ang isa sa mga umatake habang nakatakas ang ilan.
Sinabi naman ni Interior Ministry spokesman Nasrat Rahimi na hindi nila malaman kung ilan ang mga umatake.
Hindi naman binanggit ng mga otoridad kung sino ang grupo na nasa likod ng pang-aatake.