-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tila naibsan ang pangambang nararamdaman ng ilang mga Pilipino sa Singapore nang malamang may mga Pinoy na COVID-19 positive ang nakarekober.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Mark Japeth Claro, OFW sa Singapore na sa 32 na mga Pinoy na nagpositibo, gumaling na ang 27 sa mga ito.

Ayon kay Claro, umabot na sa 12,693 ang nadapuan ng virus sa naturang lugar kung saan 12 na ang namatay.

Nilinaw din niya na sa naturang bilang na namatay, walang Pinoy na kabilang dito.