-- Advertisements --

Ligtas ang 27 Pinoy crew members ng isang bulk carrier na iniulat na inatake ng Houthi rebelsa sa Red Sea nitong weekend, ayon kay Department of Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na nabigong paralisahin ng pag-atake ang MV Transworld Navigator at nakapaglayag pa rin ito at nailigtas ang 27 na tripolante na on board.

Posible rin umanong pauwiin muna ang mga tripulanteng Pinoy kapag nakarating sila sa ligtas na daungan.

Sa pahayag ng Yemen Houthi group noong Sabado, inatake raw ng kanilang pwersa ang US aircraft carrier Eisenhower sa Red Sea at ang Transworld Navigator ship sa Arabian Sea.