Tinatayang umabot na sa halos 272 election officials ang namatay dahil umano sa sobrang pagod sa pagbibilang ng milyon-milyong balota sa katatapos lamang na pinaka-malaking botohan na isinagawa sa Indonesia.
Noong April 17 idinaos ang kauna-unahang presidential election sa Indonesia kung saan higit-kumulang 260 milyong katao ang bumoto.
Ayon kay Arief Priyo Susanto, spokesman of the General Elections Commission (KPU), umabot na sa 1,878 election officers ang kasalukuyang may sakit.
Naglabas naman ng pahayag ang healtrh ministry ng bansa na humihikayat sa mga health facilities na magpaabot ng tulong sa mga may sakit na election staff.
Samantala, inaayos naman ng finance ministry ang pagbibigay ng kompensasyon para sa mga namatay.
Una ng isiniwalat ni Prabowo Subianto, isa sa mga presidential candidate, di-umano’y may naganap na pandadaya sa eleksyon na pabor kay incumbent President Joko Widodo.
Iginiit naman ito ng security minister at sinabing walang katotohanan ang mga paratang na ito.