-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ibinunyag ng Office of Civil Defense-XI na mayroon na ngayong mahigit 270k indibidwal o 70, 862 pamilya ang apektado ng pagbaha mula sa shear line sa Davao Region at 36k ang kasalukuyang nasa evacuation areas.

Habang 21,870 indibidwal o 5,767 pamilya ang lumipat sa ibang ligtas na lugar. Ayon sa mga apektadong indibidwal ay nagmula sa 109 barangay sa Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao Oriental.

Naranasan din ang power interruptions sa limang lugar sa Davao region. Ibinunyag din ng OCD na kasalukuyang ipinamahagi ang tulong na nagkakahalaga ng 6.4 million pesos sa mga biktima.

Ibinunyag din ni CDRRMO Head, Alfredo Baloran, na mahigit 5k davaweño ang stranded matapos ilagay sa code red ang Davao River.

Magunitaan na ang Davao Region ay nakaranas ng pagbaha mula nang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagpatunog na ng sirene ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office para bigyang babala ang mga residenteng nakatira malapit sa Davao River at iba pang ilog na daluyan ng tubig sa lungsod.