BAGUIO CITY – Matagumpay na nagtapos ang 217 na drug surrenderers sa Pinukpuk, Kalinga sa Rapha Recovery and Wellness Program (RAPHA RWP) ng pamahalaan.
Pinasalamatan ni Police Major Jerry Costina, hepe ng Pinukpuk Municipal Police Station ang pakikiisa ng bawat isa para sa pagtatagumpay ng programa.
Naisagawa ang programa sa pangunguna ng Pinukpuk MPS, Municipal Social Wellfare Development Office, Rural Health Unit, Barangay LGUs , Municipal Advisory Council, religious groups at iba pa.
Layunin nito na tulungan ang mga drug surrenderers na magbagong buhay at maging produktibong kasapi ng komunidad.
Sa Oplan Tokhang ng Pinukpuk MPS ay aabot sa 405 na drug personalities ang sumuko sa pulisya noong 2016 at 2017.
Sa darating na Nobyembre ay gaganapin ang enrollment para sa ikalawang bahagi ng programa.