KALIBO, Aklan – Bago ang pagtapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, positibo ang mga opisyal ng Boracay Inter-Agency Task Force na matatapos ang mga nalalabing proyekto o milestone projects sa ilalim ng Boracay Action Plan.
Ayon kay Natividad Berdandino, general manager ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group na nasa 80% o 271 mula sa 339 na target na commercial establishments sa Boracay ang compliant sa “25 + 5” meter beach easement zone protocols,” habang 83% naman o 1,017 mula sa 1,230 ng kabuuang gusali ang nakakasunod sa “12-meter road easement”.
Nabatid na ilang pamilya pa ang hindi nailipat dahil sa kawalan ng relocation sites.
Maliban dito, tatapusin pa ang natitirang bahagi ng circumferential road at drainage system.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 147, muling pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) hanggang June 30, 2022.
Matatandaang binuo ang Boracay Inter-Agency Task Force upang pangasiwaan ang Boracay rehabilitation na nag-umpisa noong 2018.