-- Advertisements --

bpat1

Nakumpleto na ng 275 Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) members ang 5-day intensive training na pinangunahan ng 2nd Marine Brigade sa probinsiya ng Tawi-Tawi.

Bilang pagtatapos ng training ng mga BPATs, isang simpleng seremonya ang isinagawa sa Amirbahar Jaafar Convention Center sa Barangay Tubig-Mampallam sa Bongao na dinaluhan ng alkalde ng Bongao at mataas na opisyal ng militar.

Ayon kay JTF Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade Commander, Col. Romeo Racadio ang mga itinuro sa mga BPATs ay nakapaloob sa Basic Barangay Marines Course 101.

Tinuruan ang mga ito sa basic martial arts, intelligence gathering, two-way radio operation,bomb detection at comprehensive orientation on the essentials of solid waste management.

bpat4

Sinabi ni Racadio, ang nasabing training ay simula pa lamang sa mas marami pang mga programang ilulunsad sa pakikipagtulungan ng Local Government Units (LGUs) ng Bonggao.

Pinuri naman ni Racadio ang Marine Battalion Landing Team-12 sa pamumuno ni Lt Col. Charlie Cana na siyang nanguna sa nasabing programa.

Ang mga nasabing BPATs ay deputized ng Barangay Marines, sa pagpapatupad ng peace and order sa kani-kanilang mga komunidad at ang paglulunsad ng mga community services gaya ng intensified clean-up na naka -iskedyul sa September 20,2021.

Target ng militar ang 25 barangays sa Bongao na sabayang ilunsad ang clean-up drive.

Hinimok din ng militar ang komunidad na makiisa sa nasabing programa kung saan kanilang ilulunsad ang programang ” Palit Bigas Para sa Basura.”

Kasama din sa naturang aktibad ang team mula sa Regional Health Unit (RHU) na nagsagawa din ng Usapan Sessions para sa Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH)services.

bpat3

Highlight din sa nasabing aktibidad ang paglulunsad ng 2nd Marine Brigade ng kanilang programa ang “Hi Sumbong Mo Kan Kakah MAR” kung saan hinihimok ang komunidad na makipag-ugnayan sa militar at magbigay ng impormasyon lalo na kung may kaugnayan sa peace and order.

Siniguro naman ni Col. Racadio na magkakaroon ng replication sa 10 municipalaties sa probinsiya ng Tawi-Tawi ang nasabing aktibidad para matiyak na mapalawak at mapalakas pa ang kanilang effort sa internal security, peace and order at environmental protection.