-- Advertisements --

Aabot sa 277 na bagong COVID-19 infections ang iniulat ng Department of Health (DOH), habang ang active cases tally naman ay bumaba sa 28,380.

Base sa data na naka-post sa website ng kagawaran, natukoy na ang COVID-19 tally sa buong bansa ay pumalo na sa 3,681,374.

Ang total recoveries naman ay umakyat sa 3,593,225, at ang death toll ay pumalo na sa 59,769, ayon sa DOH.

Samantala, ang top regions na may pinakamataas na naitalang bagong COVID-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo ay kinabibilangan ng NCR na mayroong 1,380, na sinundan ng Calabarzon na may 514, at Central Luzon na may 367.