-- Advertisements --

Winasak ng dalawang tornado ang nasa 28 kabahayan sa Lee County, southwest Florida.

Ang nasabing tornadoes ay bunsod ng parehas na storm system na nagdulot ng pag-ulan ng yelo sa ilang bahagi ng East Coast kung saan mahigit 50 milyong mga katao doon ang nasa ilalim ng winter weather alerts.

Umabot naman sa mahigit 180,000 kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Ang nasabing tornado ay may lakas ng hangin na aabot sa 118 mph na sumira sa 30 mobile homes malapit sa Fort Myers na ikinasugat din ng apat na katao.

Inilikas na rin ng mga otoridad sa Charlotte County sa mga mataas na lugar ang mga mamamayan nila na posibleng maapektuhan ng pagbaha.