-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Hindi pa rin madaanan ng mga motorista ang bahagi ng daan sa dalawang lugar sa Porac, Pampanga.

Sa latest situational weather report na ipinadala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng lalawigan ng Pampanga sa himpilan ng Bombo Radyo Dagupan, not passable pa rin ang mga daan patungong Camias at Sapang Uwak sa bayan ng Porac dahil sa landslide at rock fall.

Sa kabila nito, walang anumang casualty o nasugatan dahil sa insidente, bagamat sa ibang bahagi ng lalawigan ay lubog pa rin sa tubig baha na hindi bababa sa higit isang talampakan ang nasa 28 barangay sa naturang probinsya.

Sa ngayon naka-standby ang puwersa ng PDRRMC Pampanga para i-monitor ang lagay ng kanilang nasasakupan dahil sa nararanasang epekto ng Habagat sa kanilang lugar.