-- Advertisements --
Bucor
Bureau of Corrections

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (Bucor) officer-in-charge Melvin Buenafe na ilan sa mga sumukong convicts ang naibalik na sa Bilibid.

Ayon kay Buenafe, 28 surrenderees mula Cagayan Valley ang dumating Sabado ng gabi sa New Bilibid Prison (NBP) lulan ng isang de pampasaherong bus.

Sinabi ni Buenafe ngayong umaga muling ipo-proseso ang mga sumukong inmates.

Aniya, binigyan ang mga ito ng matutulugan ang mga dating inmates ng dumating ang mga ito kagabi.

Bumuo na rin ng 24-hour assistance desks ang Bucor para sa mga sumukong convicts.

Sa ngayon, pumalo na sa kabuuang 76 heinous crime convicts ang sumuko sa Bucor at PNP.

Una ng nagbigay ng 15 araw na ultimatum si Pang. Rodrigo Duterte para sa halos 2,000 mga convicts na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Babala ng Pangulo na ang mga convicts na hindi tatalima sa kaniyang utos, mahaharap na ang mga ito sa warrantless arrests.

Samantala, sa datos naman na inilabas ng PNP as of 8 a.m. ngayong September 8,2019 pumalo na sa 65 na mga convicts ang sumuko sa ibat ibang police stations sa buong bansa.

Ang may pinakamaraming sumuko sa sa region 2 na umabot na sa 24; nasa 11 naman sa PRO-4B; 7 sa PRO-7; 5 sa PRO-5; 3 sa PRO-8, 2 sa NCRPO at tig apat naman sa PRO-13 at PROCOR.