-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 28 health care workers ang nakaranas ng minor adverse effect matapos naturukan ng AstraZeneca vaccine, nalaman na dito sa lungsod naturukan na ng bakuna laban sa COVID 19 ang 471 o 75 % sa 628 na mga health care workers gamit ang AstraZeneca vaccine.

Ayon kay Dr. April Mae Maquilang, Immunization coordinator ng City Health Office na may nagpakita ng mga side effects kagaya ng lagnat, ubo at pagkahilo subalit walang serious side effects.

Sinisiguro naman nito na lahat ng nabakunahan ay nakalista sa master list sa treatment and monitoring facilities.

Kinumpirma din ni Maquilang na may 100 ang “deferred” habang 30 ang tumangging mabakunahan.

Nalaman na 67 vials ng astraZeneca ang alokasyon dito sa lungsod subalit 47 lamang ang nagamit at 20 naman ang unused.