-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Coast Guard na nasa 28 indibidwal na ang nailigtas ng kanilang search and rescue team habang apat ang patuloy na pinaghahanap sa ngayon, matapos lumubog ang yate sa may bahagi Tubbataha sa Palawan ngayong araw.

Dahil dito, kaagad na idineploy ng PCG sa lugar ang kanilang barko na BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) para magsagawa ng search and rescue operations.

Batay sa ulat ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang kanilang Command Center kaninang alas-6:49 ng umaga kaugnay sa nangyaring paglubog ng Dive Yatch na M/Y Dream Keeper.

Nabatid na ang dive yatcht ay umalis sa San Remegio, Cebu City nuong April 27,2023 at dumating sa Tubbataha Reef bandang alas-10:00 ng gabi.

Sa ngayon nagpapatuloy ang search and rescuer operations para sa paghahanap sa apat na indibidwal na nawawala.