CENTRAL MINDANAO – Umaabot sa 28 na mga loose firearms ang isinuko sa militar sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Ayon kay 602nd Brigade commander Colonel Joven Gonzales na isinuko ng 26 barangay kapitan sa Wao, Lanao del Sur ang 28 loose firearms sa pulisya at 34th Infantry Battalion Philippine Army.
Kabilang sa mga isinukong armas ay ang 21 mga 12-gauge shotgun, apat na caliber .38mm revolver, isang caliber .38mm pistol, isang 9mm Uzi at isang cal .22 revolver.
Pormal na tinanggap nina 602nd Brigade commander Colonel Jovencio Gonzales, at 34th Infantry (Reliable) Battalion commander Lt. Col. Edgardo Vilchez Jr ang mga baril na isinuko.
Sinabi ni Wao LDS Mayor Elvino Balicao Jr na ito ay bahagi ng kanilang suporta sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra sa loose firearms para sa kaayusan at mapayapang komunidad.
Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force commander Maj. Gen. Juvymax Uy ang LGU-Wao sa isinukong nilang mga armas.
Nanawagan si Gen Uy sa mga residente at local offials sa AOR ng 6th ID na may hawak ng loose firearms na isuko na sa mga otoridad.