-- Advertisements --

Nasa 28 migrants ang nasawi matapos ang paglubog ng kanilang sinasakyang bangka sa karagatang bahagi ng Tripoli, Libya.

Nakita ng mga otoridad ang bangkay ng 28 migrant na inanod na sa gilid ng Al-Alous kung saan 3 iba pa ang nakaligtas.

Sinasabing nasa state of decompistion kung saan pinaniniwalaang ilang araw ng nangyari ang insidente.

Ayon sa International Organization for Migration nasa mahigit 30,000 na mga migrants ang kanilang nahaharang na palabas ng Libya.