TUGUEGARAO CITY – Ibinaon na sa lupa ang mga nasabat na mga kinatay na aso sa San Leonardo, Nueva Ecija nitong Martes ng umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Heidee Caguioa, program director ng Animal Kingdom Foundation, natunton nila ang pinagbibilhan ng suspek ng suspek na si Perry Baybay matapos ang ilang linggong monitoring sa kanya batay sa ibinigay sa kanila na impormasyon.
Sinabi ni Caguiao na nakita sa van ng suspek ang 28 heads ng kinatay na aso na nakatakda sanang dalhin umano sa Baguio City at La Trinidad, Benguet.
Ayon pa kay Caguiao, katuwang nila sa operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group at National Meat Inspection Service sa nasabing operasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Caguiao na dati nang may kaso ang suspek dahil sa katulad na offense subalit nakakapaglagak siya ng piyansa.