-- Advertisements --

Patay ang nasa 28 katao sa malawakang pagbaha sa Gujarat, India.

Dahil sa insidente ay mahigit 24,000 katao na rin ang inilikas.

Nagdulot ang ilang araw na pag-ulan sa pag-apaw ng ilang mga ilog at water reservoirs.

Nagsagawa na rin ang mga sundalo ng India ng relief at rescue operations sa mga lugar na binaha.

Inilagay ng gobyerno ang high alert dahil sa inaasahang hanggang sa mga susunod na araw pa huhupa ang malakas na pag-ulan.